Sa loob ng labing isang buwan, marami akong nakilala, nakita, naranasan at nalaman. Mga kaalamang hindi ko pa naransan. Parang kailan lang, isip ko'y naguguluhan, tila di malaman ang tunay na nararamdaman, tila hindi sigurado sa mga desisyong ginagawa. Pero LABING ISANG BUWAN ang lumipas, heto ako't nakaharap sa salamin ng kasiyahan. Kasiyahang idinulot sakin ng isang desisyong hindi ko pinagsisihan, hindi ko pinagsisihan sapagkat simula pa lang, sigurado na ako sa aking nararamdaman.
Bagamat nagdaan ako sa isang sitwasyon na kung saan ang minsan kong minahal ay napagkamalan akong manloloko sapagkat "binack stab" ako ng aking matalik na kaibigan. sa huli, naiwan akong dumurugo at naghihikahos sa sakit na bunga ng saksak na hindi ko man lang nalaman na tumarak na pala aking puso. Masakit, Mahapdi at tila hindi pa naghihilom ang sugat na dulot ng saksak na gawa ng aking matalik na kaibigan.
Nagtatanong, nagtataka? bakit sa kabila ng sakit na dulot nito? heto ako't NAPAKASAYA? Makalipas ang labing isang buwan, ngayon, alam ko na ang kasagutan. Matapos ang masakit na yugto ng aking buhay, pumasok naman ang isang pang yugto na tunay na nagbigay sa akin ng kasiyahan. Binuno ko ang labing isang buwan ng aking buhay na kasama ang taong tunay na nagbibigay ng kahulugan sa buhay ko, isang taong nagmamahal sa akin nang buong puso. isang taong minahal ko ng buong buo.
Ngayon, Labing isang buwan ang lumipas, nagbago man ang panahon, edad, at personalidad ko, alam kong hindi nagbago at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Pagmamahal na handang harapin ang lahat para lamang siya'y lumigaya. Kaya naman sa simpleng presentasyon ko, sana'y masiyahan ka. MARAMING SALAMAT sa panahong iginugol mo para sa akin. bawat segundo, minuto, oras at araw na kasama kita, parating kasiyahan ang tangi kong natatamo at nararamdaman. Salamat sa labing isang buwan ng walang sawang pagmamahal mula sayo.